Sophie Albert sparks speculations for reposting "celebrity magpa-file ng annulment" blind item (2024)

Usap-usapan ngayon online ang pag-repost ng Kapuso actress na si Sophie Albert sa isang blind item tungkol sa isang celebrity/endorser na diumano'y nakatakdang mag-file ng annulment.

Noong May 12, 2024, isang TikTok page ang nag-post ng video patungkol sa nakalap nilang impormasyon sa maghihiwalay na celebrity couple.

Base sa blind item, may pagtataksil na nangyari kaya't nasira ang dating masaya at payapang pagsasama at pagmamahalan ng mag-asawa.

Mababasa sa nasabing blind item (published as is): "SIKAT NA SIKAT NA CELEBRITY/ENDORSER MAGPA-FILE NG ANNULMENT SA DYOWA

"May tsika kaming nasagap. Kesyo ang celebrity couple raw na ito ay nanganganib ang pagsasama.

"Hindi kasi matigil-tigil ang isyu sa kanila na ang asawang maraming karaketan ay
napatotohanang namumugad sa ibang pugad.

"Una raw ay hindi naniniwala ang endorser ding partner, pero nang muling lumabas
ang item na mayroon nang karagdagan dito na raw unti-unting
nawawasak ang kanilang masayang pagsasama.

"May sitsit pang magpa-file na umano ng annulment ang celebrity/endorser at
maging ang kanilang conjugal properties ay pinag-uusapan na
rin.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gaano kaya katotoo ang tsikang ito na aming nakalap. Sana naman ay walang katotohanan ang teikang nakarating sa amin dahil may mga taong masasaktan."

Sophie Albert sparks speculations for reposting "celebrity magpa-file ng annulment" blind item (1)

IS SOPHIE ALBERT-VIN ABRENICA RELATIONSHIP ON THE ROCKS?

Mabilis na napansin ng netizens ang pag-repost ni Sophie sa nasabing blind item.

Ito ang dahilan para pag-isipang sila ng asawa niyang si Vin Abrenica ang tinutukoy na celebrity couple na kasalukuyang humaharap sa matinding pagsubok.

Kung bibisitahin ang TikTok ngayon ni Sophie ay burado na ito, ngunit bago ito nangyari ay marami nang netizens ang nakapag-screenshot nito.

Sophie Albert sparks speculations for reposting "celebrity magpa-file ng annulment" blind item (2)

Komento ng isang netizen sa blind-item video (published as is), "Ni-repost ni Sophie Albert. Confirm na ata [sad emoji]."

Sabi pa ng isa, "Hoy Sophie Albert reposted [crying in tears emoji] why??? grabe naman ang Abrenica brothers, di na nakuntento sa asawa nila if ever na totoo man ito."

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ng netizen na kapatid ni Vin ay ang aktor ding si Aljur Abrenica.

Read: Vin Abrenica on respecting brother Aljur's private life: "We don’t talk about relationships."

Si Aljur ay kasal sa Kapuso actress na si Kylie Padilla. Sila ay may dalawang anak, sina Alas at Axl.

July 2021 nang makumpirmang nagwakas na nga ang relasyon nina Aljur at Kylie dahil sa rebelasyon ng ama ng aktres na si Robin Padilla, kunsaan sinabi nitong third party ang dahilan ng breakup ng dalawa.

Read: Kylie Padilla reflects on breakup with husband Aljur Abrenica: "I have been so afraid of life."

Dito nasangkot ang pangalan ng Vivamax actress na si AJ Raval na noo'y itinuturong third party sa hiwalayang Aljur at Kylie.

Makailang beses itong pinabulaanan nina Aljur at AJ hanggang sa noong February 14, 2023, tuluyan nang isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon.

Read: AJ Raval reveals convo with Aljur Abrenica before they became a couple

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS DEFEND SOPHIE AND VIN

Kung may naghinalang sina Sophie at Vin ang celebrity couple na nakatakdang mag-annul, mayroon din namang hindi kumbinsido sa ginawang pag-repost ng aktres.

Ayon sa ilang netizens, hindi maaaring maging basehan ang pag-repost ni Sophie sa blind item sa kasalukuyang relasyon nila ngayon ni Vin.

Saad ng isang netizen, "Imposible na si Vin to. Patay na patay kay Sophie yun."

Sabi ng isa, "Pumunta ako sa IG [Instagram] ni Sophie Albert pero mukhang okay naman sila."

"Baka ni-repost niya lang kasi alam niya kung sino [laughing in tears emoji]," depensa pa ng isa.

Dagdag ng isa, "Hoy kaka-celebrate lang nila Sophie ng Mother's Day tigilan niyo."

Read: Sophie Albert to Vin Abrenica: "I've been living my best life since meeting you."

VIN GREETS SOPHIE ON MOTHER'S DAY

Kung bibisitahin ang Instagram page ni Vin ay makikita ang post niya noong May 12 na naka-tag si Sophie.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Laman ng post ang video nila ni Sophie habang sila ay nakikipagkulitan sa kanilang anak, kalakip ang pagbati niya ng Happy Mother's Day sa kanyang misis.

Mababasa sa caption ni Vin (published as is), "Sa aking minamahal na asawa, ikaw talaga ang ilaw ng ating tahanan. Happy Mother's day! Mahal na mahal ka namin."

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

VIN AND SOPHIE RELATIONSHIP

Mahigit sampung taon ang itinagal ng relasyon nina Vin at Sophie bilang magkasintahan bago sila magdesisyong magpakasal.

Dalawang beses ikinasal ang dalawa: una sa isang church wedding sa National Shrine of Mary Help of Christians sa Parañaque City noong January 27, 2023; at pangalawa sa isang intimate garden ceremony sa Tagaytay noong January 28.

Read: Sophie Albert and Vin Abrenica finally tie the knot

Sa panayam ni Vin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 23, 2023, sinabi nitong si Sophie ang itinuturing niyang best friend.

Sabi ni Vin tungkol sa asawa, “I love the life Sophie and I share and the family we’re growing together.

"I married my best friend and I love coming home to her and our little princess.”

Read: Vin Abrenica calls wife Sophie Albert his "best friend"; gears up for new role in GMA-7

VIN AND SOPHIE's FAMILY LIFE

First-time dad si Vin sa panganay nila ni Sophie na si Avianna Celeste Abrenica.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ng aktor, masaya at ine-enjoy niya ang pagiging ama sa anak at asawa kay Sophie.

Aniya: “I love being a dad to my little princess. Fatherhood has really changed me positively.

“It’s given me a deeper appreciation for life, it gave my life direction and it's teaching me a lot about patience for sure.

“Providing for my family and taking care of them is what keeps me fulfilled. It’s definitely an exciting adventure that I never want to miss out on.”

Read: Vin Abrenica vows to be good example of real man for daughter

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang direktang pahayag sina Sophie at Vin tungkol sa isyung nauugnay sa kanila.

Sophie Albert sparks speculations for reposting "celebrity magpa-file ng annulment" blind item (2024)
Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Reed Wilderman

Last Updated:

Views: 5459

Rating: 4.1 / 5 (52 voted)

Reviews: 83% of readers found this page helpful

Author information

Name: Reed Wilderman

Birthday: 1992-06-14

Address: 998 Estell Village, Lake Oscarberg, SD 48713-6877

Phone: +21813267449721

Job: Technology Engineer

Hobby: Swimming, Do it yourself, Beekeeping, Lapidary, Cosplaying, Hiking, Graffiti

Introduction: My name is Reed Wilderman, I am a faithful, bright, lucky, adventurous, lively, rich, vast person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.